Pista ng Pilipinas: Isang Bansa, Sanlibong Pagdiriwang Festival Dance Competition

Matagumpay na naidaos noong Sabado, Nobyembre 15, 2025 ang Pista ng Pilipinas: Isang Bansa, Sanlibong Pagdiriwang Festival Dance Competition na tunay na nagpasiklab ng kulay, sigla, at kulturang Pilipino! Mula sa masisiglang tugtugin hanggang sa makukulay na kasuotan, bawat grupo ay nagbigay-buhay sa kwento ng ating bayan.
 
Bawat pangkat ay naghatid ng kakaibang kuwento at tradisyon, ipinakita ang yaman ng ating mga pagdiriwang mula Luzon hanggang Mindanao. Maraming salamat sa lahat ng kalahok na buong puso at galing na nagbigay-buhay sa entablado. Dahil sa inyong talento, dedikasyon, at walang sawang pagsuporta, naging mas makulay, mas masaya, at mas makabuluhan ang ating pagdiriwang. Tunay na buhay na buhay ang kulturang Pilipino at sabay-sabay natin itong dadalhin sa mas marami pang pista at bagong henerasyon!”
 
Hanggang sa susunod na pagdiriwang—iisa ang puso, iisa ang saya, iisang Pilipinas!

Leave a Reply